-- Advertisements --
Raptors vs Bucks game highlights

Umuwing luhaan ang Toronto Raptors matapos silang talunin ng Milwaukee Bucks sa score na 130-112.

Nagpaulan ng season high 37 points ang star player ng Bucks na si Jrae Holiday habang wala naman sa naturang game ang kanilang power forward player na si Giannis Antetokoumpo.

Umalalay naman sa pagkapanalo ng Milwaukee Bucks si Grayson Allen at umiskor ito ng kabuuang 25 points.

Pinangunahan naman ni Fred Van Vleet ang Toronto Raptors matapos itong makapagtala ng kabuuang 39 points.

Nagambag rin si Gray Trent ng 28 points habang si Pascal Siakam ay pomoste ng 23 points.

Sa kasalukuyan, ang Milwaukee Bucks ay pumapangalawa pa rin sa Eastern Conference ng National Basketball Association na mayroong record na 29 wins at 16 loses habang ang Toronto Raptors naman ay ika 11 sa pwesto na mayroong record na 20 wins at 25 loses.

Hanggang sa mga huling minuto ng game ay sinubukang ungusan ng Raptors ang Bucks ngunit hindi ito umubra ang kanilang deskarte sa sementadong depensa ng Milwaukee Bucks.