Tinalo ng Toronto Raptors ang Cleveland Cavaliers sa isang thriller game, 124 – 121.
Nagawa ito ng Raptors sa pamamagitan ng pinagsamang 89 points ng apat nitong elite scorer: 36 points 5 rebounds 2 assists ang ginawa ni Pascal Siakam habang 20 points 6 rebounds 5 assists naman ang kontribusyon ni Scottie Barnes.
Nagbuhos din ang bagong player ng koponan na sina RJ Barrett na may 19 points 9 rebounds habang 14 points at 6 rebounds naman kay Immanuel Quickley
Nakipagsabayan din ang Cavs sa Raptors, matapos kumamada ng 73 points ang tatlo nitong players sa pangunguna ni Cris LeVert na gumawa ng 31 points.
Double-double performance naman ang ginawa ni Jarrett Allen: 16 points 11 rebs habang 26 points 7 rebounds ang kontribusyon ni Donovan Mitchell.
Naging gitgitan ang labanan sa pagitan ng dalawang team matapos ang palitan ng magandang opensa. Natapos ang first half sa score na 67 – 59 pabor sa Toronto.
Agad namang pinasok ng Raptors ang magandang opensa sa huling kwarter.
Sa huling 7 segundo ng laro, isa lang ang lamang ng Raptors 121-120 at tinangka pang habulin ng Cavs ngunit hindi na ito na lamangan pa.
Ito ang unang panalo ng Raptors matapos ang dalawang sunod na pagkatalo simula ng nangyaring trade.
Pinakaunang panalo rin ng bagong player ng koponan na kinuha galing ng New York Knicks na sina RJ Barret at Immanuel Quickley.