Nagsimula na ang defending champion na Toronto Raptors sa kanilang mga preparasyon para sa muling pagpapatuloy ng 2019-20 season.
Nagtungo sa Fort Myers sa Florida ang piling mga players at staff members, kung saan mananatili sila doon hanggang sa magbukas ang NBA campus sa Orlando sa unang bahagi ng Hulyo.
“In keeping with NBA and team safety protocols, there will be no group workouts during this phase of return to play, and strict protocols have been designed to ensure this initial level of access will take place in a safe, controlled, and healthy way,” saad ng team sa isang pahayag.
Hindi rin mag-uumpisa ang mga group workout hangga’t hindi pa nagre-report sa pasilidad sa Disney World ang Raptors para sa 22-team restart ng liga.
Sinabi rin ng organisasyon na hindi rin muna papayagang humarap sa media ang mga players.
Limitado lamang sa mga essential na team personnel ang access sa team hotel at voluntary individual workout facilities.