DAVAO CITY – Sa loob ng mahigit isang dekada, muli na namang napatunayang matagumpay ang firecracker ban ordinance sa lungsod ng Davao matapos muling maitala ang zero-casualty sa pagsalubong sa bagong taon.
Tahimik na sinalubong ng mga personahe ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang new year dahil sa walang dinalang mga biktima ng paputok sa nasabing pagamutan.
Sa kabila ng inaasahan na sitwasyon, mahigpit pa ring ipinatupad ang code white alert sa paghahanda sa nasabing okasyon.
Samantala, matagumpay din ang isinagawang Torotot Festival sa Rizal Park sa lungsod.
Dumating sa event si PNP chief Director Geneal Ronald dela Rosa.
Sa kanyang talumpati, kanyang ipinanukala na sana maging nationwide ang Torotot Festival tuwing sasalubungin ang bagong taon upang merong pagkaabalahan ang mga tao at makaiwas sa paggamit ng mapaminsalang paputok.