-- Advertisements --

Nagpasalamat si Police Regional Office 11 Regional Director BGen Nicolas Torre III sa lahat ng mga miyembro ng Philippine National Police na tumulong para sa tuluyang ikadarakip ni Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ayon kay Torre, malaki ang naging sakripisyo ng mga pulis para tuluyang mahuli ang puganteng pastor, lalo na at nauwi aniya sa mahaba-habang komprontasyon ang huling operasyon.

Pabiro pang sinabi ni Torre sa mga kapulisan na sagot na niya ang lechon at banda, matapos ang matagumpay na operasyon kay Quiboloy.

Tatlong araw matapos nito ay ipinasok si Gen. Torre bilang PNP Davao Regional Director at pinalitan si Brigadier General Aligre L. Martinez.

Maalalang una na ring tinangka ng pulisya na isilbi ang warrant kay Quiboloy noong June 10, 2023 ngunit hindi ito nagtagumpay matapos harangin ng mga miyembro ang KOJC at umabot pa sa pisikalan.