-- Advertisements --

Posibleng maranasan muli ng mga lugar na dinaanan ng bagyong Marce ang torrential rains sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya na inilabas ng state weather bureau ngayong araw (Nov. 9), maaaring makaranas muli ng intense hanggang torrential rains ang mga probinsya ng Cagayan, Apayao, at Isabela mula Lunes hanggang Martes.

Sa ilalim nito ay maaaring aabot ng hanggang 200 mm ng tubig-ulan ang bubuhos sa mga naturang probinsya.

Sa mga probinsiya ng Abra, Kalinga, Mt. Province, at Aurora, maaaring maranasan naman ang heavy hanggang intense rains sa araw ng Lunes hanggang Martes.

Katumbas ito ng 100mm hanggang 200mm ng tubig-ulan.

Ito ay bahagi ng epekto ng bagyong Nika na kasalukuyang nagbabanta sa eastern portion ng Luzon.

Sa kasalukuyan, nananatili pa ring lubog sa tubig-baha ang mga lugar na una nang dinaanan ng bagyong Marce habang maraming mga mamamayan ang nananatili sa mga evacuation center.