CAGAYAN DE ORO CITY – Suportado ng grupong EcoWaste Coalition ang House Bill 9207 ni Misamis Oriental 2nd District Rep Juliette Uy.
Nilalaman nito ang pagbabawal sa mga imported waste na makapasok sa Pilipinas.
Sinabi ni EcoWaste Coalition national coordinator Aileen Lucero na malaki ang maitutulong ng nasabing House Bill laban sa mga mapang-abusong dayuhan na ginawang dumping site ang bansa.
Una rito, binanggit ni Lucero na hinihintay nila ang desisyon ng hukuman laban sa mga basurang mula South Korea kung saan nakasuhan na ang mga administrator ng Verdo Soko Philippines.
Nananawagan rin sila sa Bureau of CUstOms (BoC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na madaliin ang pagpapabalik ng mga processed engineered fuel o mga basura mula Australia na nasa pantalan ng Tagoloan Misamis Oriental.