Pinag-aaralan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagpapatupad ng total ban sa Philippine offshore gaming operations (POGO).
Ito ay sa harap ng paghimok ng China sa gobyerno ng Pilipinas na i-ban ang lahat ng online gambling.
Lumalabas kasing karamihan sa offshore gaming dito ay nagtatrabaho para sa Chinese investors.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesperson Geng Shuang, welcome sa kanila ang suspensyon ng Duterte government sa paglalabas ng bagong lisensya sa POGO, ngunit umaasa silang mas mabigat pa rito ang magiging aksyon ng Philippine government.
Pero para kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may ilang konsiderasyon sa tigil operasyon ng offshore gaming kaya hayaan na lang muna ang Pangulo na lubos itong mapag-aralan.