-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nakaranas ng total blackout ang maraming lugar sa Western Visayas ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Joy Fantilaga, spokesperson ng More Electric and Power Corporation, sinabi nito na apektado ng total blackout ang mga lugar sa Iloilo City, Iloilo Province, Guimaras, Antique, Aklan, Capiz at Negros Occidental.
Nilinaw naman ng More Power na hindi kontrolado ng kanilang opisina ang pagkawala ng kuryente at hinihintay pa nila ang ulat mula sa National Grid Corporation of the Philippines.
Ang nangyari umano ay isang unscheduled o emergency power interruption na kanilang inaalam ang totoong dahilan.
Humingi rin ito ng paumanhin sa abala na naidulot ng pagkawala ng supply ng kuryente.