Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakatakdang ianunsiyo ng pamahalaan bukas, Lunes, February 12, 2018 ang total deployment ban ng Overseas Filipino wokers sa Kuwait.
Una ng sinuspinde ng Department of Labor ang pag proseso sa mga bagong employment certificates sa mga OFWs na patungong Kuwait.
Ito’y matapos ang napaulat na kamatayan ng pitong migrant workers kabilang ang isang Pinang na ang katawan ay natagpuan sa freezer.
Pero ang ginawang pag suspinde at hindi sapat para kay Pang. Rodrigo Duterte, na nais na ipatupad ang total OFW depl
Giit ni Bello na bukas maglalabas na siya ng order kaugnay sa deployment ban.
Tiniyak naman ni Bello na lahat ng mga Filipino workers na nakakaranas ng pang-aabuso sa kanilang mga amo ay irepatriate ng gobyerno pabalik ng bansa.
Nilinaw naman ng kalihim na ang mga OFWs na nais manatili sa kanilang mga employers ay kanila naman papayagan.