BUTUAN CITY – Ipinatupad ngayon sa Northern New South Wales sa Australia ang total fire ban matapos na umabot sa 101 ang naitalang mga wildfires kahapon sa tatlong mga estado sa kabila na papasok pa lang ang kanilang wildfire season.
Ilalim sa naturang ban, mariing ipinagbabawal ng pamahalaan ang pagluluto sa labas ng bahay.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Bombo international news correspondent Denmark Suede na umabot sa 70 mga wildfires ang naitala kahapon sa estado ng New South Wales, 30 naman sa estado ng Queensland at isa sa estado ng Tasmania.
Napag-alamang ang wildfire season ay isang natural phenomenon na taon-taong nagaganap sa Australia at mahirap umanong apulahin dahil sa lawak ng kanilang kagubatan
Sa ngayo’y nagpadala na ng mga fire fighters ang Canada, New Zealand at Estados Unidos upang tutulong sa pag-apula ng malawakang apoy.