-- Advertisements --
Suportado ni Department of Finance Secretary Ralph Recto ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na total ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.
Pagbabahagi pa ng kalihim na inirekomenda niya sa Pangulo ang total POGO ban kung saan ipinakita nila ang cost-benefit analysis sa naturang usapin at sa palagay ng Finance chief ay tama ang desisyon ng Pangulo.
Ayon sa kalihim, mas matimbang ang benpisyo ng pagbabawal sa Pogo.
Saad pa ng opisyal na may mga reputational risks ang POGO na maraming dulot na masasama sa ating lipunan.
Inihayag din ng Finance chief na may mga krimeng iniuugnay sa ilegal na POGO operations sa bansa.