Target ng Department of Energy (DOE) na hanggang Nobyembre 15 o sa darating na Linggo maibalik ang supply ng koryente sa mga lugar na hanggang ngayo ay nakararanas ng brown-out.
Sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi, nagtutulong-tulong na ang mga linemen partikular ng MERALCO para sa tinatarget na total power restoration sa susunod na tatlong araw.
Ayon kay Sec. Cusi, as of 6am kaninang umaga, nasa mahigit 500,000 pang MERALCO customers ang nananatiling walang supply ng koryente mula sa dating mahigit isang milyon.
Nasa 4,000 linemen ng nasabing electric company umano ang nagtatrabaho sa kasalukuyan 24/7 habang nagpapatuloy din naman sa kabilang banda ang assessment na isinasagawa ng Nationa Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa mga nasirang transmission lines.