-- Advertisements --
Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total revamp o pagbalasa sa buong Bureau of Corrections (BuCor) kasunod pa rin ng anomalya sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, lahat ng mga opisyal at empleyado ng BuCor ay apektado sa total revamp.
Ayon kay Sec. Panelo, ang mga guwardiya sa New Bilibid Prisons (NBP) ay ililipat sa mga lalawigan.
Inihayag ni Sec. Panelo na magiging kahalintulad sa Bureau of Customs (BOC) ang mangyayari sa BuCor kung saan ang mga career officials at employees ay ilalagay sa floating status o hindi na magre-report sa kanilang tanggapan o pwesto.