-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nadagdagan ng 109 ang bilang ng mga PUMs na totally cleared sa ptobinsya ng Cotabato sa loob ng 24 oras batay sa pinakahuling tala ng Integrated Provincial Health Office ( IPHO) Cotabato.

Samantala, nasa 1,670 ang patuloy na naka quarantine/isolated habang bumaba sa 18 ang mga tinaguriang suspect.

Nakapako naman sa 42 ang bilang ng total recoveries at nanatili sa 15 ang active cases.

Sumampa na sa 19, 043 ang kabuuang bilang ng mga PUMs na totally cleared.

Sa ngayon ay mas halong hinigpitan pa ng Cotabato IATF ang health protocols kontra Covid 19.