-- Advertisements --
Tuluyan ng kinansela ang Tour de France dahil sa coronavirus pandemic.
Nakatakda sana ang 23-day, 21 stage na cycling event sa darating na Hunyo 27 sa lungsod ng Nice.
Dahil sa patuloy pa rin ang banta ng coronavirus kaya nagpasya ang organizer na kanselahin na lamang ito.
Ayon pa sa organizers na mahalaga ang kalusugan at kapakanan ng mga siklista at maging ang mga manonood.
Umaasa ang organizers na matutuloy din ang nasabing torneo ngayong taon.