-- Advertisements --
May napili ng petsa ang organizer ng Tour de France ngayong taon matapos na ito ay ipagpaliban dahil sa umiiral na lockdown.
Ayon sa UCI ang governing body ng Tour de France, na gagawin na lamang ito sa Agosto 29 ngayon taon.
Unang itinakda ang nasabing sikat na cycling event mula June 27 hanggang July 19.
Ilan sa inaasahan na sikat na sikilista ay ang pagbabalik ni four-time winner Chris Froome na hindi nakasama noong nakaraang taon matapos na maaksidente na sanhi ng pagkapilay ng kaniyang leeg, siko at balakang.
Magugunitang maraming mga sporting events ang kinansela at ipinagpaliban ngayong taon dahil sa epekto ng coronavirus pandemic.