Napagkasunduan sa isinagawang pre-disaster assessment ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na suspendihin muna ang mga aktibidad sa Cordillera dahil sa mga posibleng epekto ng bagyong Jolina.
Ayon kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, layon ng pagsuspinde ng mga tourism activitiy ay para hindi malagay sa posibleng panganib sa mga bakasyunista.
Partikular aniya rito ang hiking, trekking, at caving activities sa rehiyon.
Ilan sa mga lugar na madalas dayuhin ng mga turista sa Cordillera ay ang Sagada, gayundin ang Mt. Pulag at Mt. Ulap na parehong nasa Benguet.
Ayon kay Marasigan, ang Benguet kasama ang Ifugao, Quirino, Northern Aurora, La Union, Mountain Province, Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Nueva viscaya at Isabela ay nasa ilalim ng signal No. 2.
Dahil dito, 24 oras nang nakamonitor ang NDRRMC dahil sa bagyong Jolina.