BAGUIO CITY – Kanselado na rin ang mga tourism activities sa Mount Pulag na matatagpuan sa Kabayan, Benguet mula sa Pebrero 24.
Ayon kay Mayor Faustino Aquisan, ito ay dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease o COVID 2019.
Aminado ang alkalde na matagal niyang pinag-isipan kung masususpinde ang tourism activities sa Mt. Pulag na itinuturing bilang pangatlong pinaka-mataas na bundok sa Pilipinas.
Ipinaliwag niyang hindi agad-agad na ipapatupad ang suspension para maabisuhan muna ang mga turistang una nang nagpareserbang mag-hike sa bundok.
Aminado ang opisyal na malaki ang magiging epekto nito sa tourism sector ng Kabayan lalo na’t itinuturing ngayon na peak season.
Samantala, ipinagbibigay alam sa publiko ni Mayor James Pooten na suspendido na rin ang lahat ng tourism activities sa Sagada, Mountain Province dahil din sa banta ng COVID 19.
Paliwanag ng alkalde na kailangang maprotektahan ang mga residente ng Sagada mula sa nakamamatay na sakit.