CAUAYAN CITY- Itinuturing na sa Bahamas na alarming at worrying ang COVID 19 sa sector ng torismo sa kanilang bansa.
Ito ay makaraang ang tourism ang maituturing na major industry na pinaka-naapektuhan ng COVID 19 sa Bahamas.
Ang Bahamas ay mayroon lamang 69 COVID 19 positive habang 9 ang nasawi.
Wala naman anyang naitalang OFW na nakapitan ng COVID 19 virus sa nasabing bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Florita Veterbo , Pangulo ng Filipino Association sa Bahamas na magmula noong March 18, 2020 na nilockdown ang nasabing bansa ay isinarado na rin ang mga ports, airport, hotel, restaurants at beaches.
Sinabi pa ni Veterbo na mahigpit ang mga pulis at sundalo na nagpapatupad ng protocols pangunahin na ang curfew hour na mula alas nuebe ng gabi hanggang alas singko ng umaga.
Ang mga maituturing na essential businesses lang ang bukas at mga assential workers lamang ang pumapasok sa trabaho .
Ang mga bangko ay bukas sa ilang oras lamang habang ang iba ay sarado.