-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinulong ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang mga tourism officers mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan.

Kasama si Department of Tourism XII OIC Regional Director Engr. Armin Hautea, ibinahagi ng gobernadora kung gaano kaseryoso ang pamahalaang panlalawigan sa pagpapaunlad ng turismo sa probinsya at pangangalaga nito para na rin sa kinabukasan ng darating pa na mga henerasyon.

Hamon ni Governor Mendoza sa mga tourism officers na patuloy na magkaisa at magtulungan upang mapangalagaan ang magagandang tourist destination sa lalawigan.

Kasama din sa nasabing pagpupulong si Public Affairs Assistance Tourism and Sports Development Division (PAATSDD) Head Josephine Abellana.