BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang mga tourism products ng Caraga Region ang syang paboritong pasyalan ngayon ng mga travelers.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Sec. Puyat na ito’y dahil karamihan sa mga tourism destinations ng rehiyon ay pasado sa mga reuirements ng Inter-Agency Task Force gaya ng pagkakaroon ng open space, open air at hindi masyadong congested ng mga tao.
Base umano ito sa kanilang ginawang survey kungsaan kinuha nila ang pulso ng mga travelers at mga bakasyunistang nais magbakasyon ngayong panahon ng pandemya.
Pasado umano sa kanila ang hinahanap nilang mga nature-based adventures, health and fitness at iba pa na dito lang matatagpuan sa Caraga Region at madaling i-promote.