-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Tourism (DOT) sa lahat ng mga tourism-related establishments sa National Capital Region (NCR) na bawal pa rin ang operasyon.

Ito ay dahil na rin sa latest guidelines ng DOT makaraang ilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’s (IATF) ang Metro Manila sa Alert Level 4 simula nitong Huwebes bilang bahagi ng experimental quarantine classifications.

Ayon sa DOT ang mga specialized markets ng DOT, tulad ng mga staycations, indoor visitor o tourist attractions, mga indoor venues para sa mga Meetings, Incentives, Conferences, Exhibitions (MICE) ay bawal pa rin.

Samantala tinawag naman ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na “good news” sa mga manggawa sa turismo na 99 percent sa tourism workers sa mga hotels sa Metro Manila ang bakunado na.

Kabilang din sa mga vaccinated na ay sa mga DOT-accredited restaurants na umabot na sa 94 percent.

Samantala, naniniwala naman ang DOT na ang pagpayag ng IATF sa mga bakunado na makapag-dine-in muli sa mga restaurants ay makakatulong sa unti-unting pagbangon ng ekonomiya.