-- Advertisements --
PBBM Tourism

Nagpahayag ng pasasalamat si Department of Tourism Sec. Christina Frasco kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagbibigay nito ng prayoridad sa sektor ng turismo sa bansa.

Ito ay matapos na isa sa mga naging highlight ng talumpati ni Pangulong Marcos ang gampanin ng turismo sa bansa para sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon kay Sec. Frasco, ito ay magbibigay daan upang mabigyan ng kabuhayan ang nasa mahigit limang milyong mga Pilipino.

Aniya, kung hindi dahil sa maayos na polisya at programa ng administrasyon sa muling pagbangon ng turismo sa pagkakalugmok noong kasagsagan ng pandemya ay hindi maaabot ng Department of Tourism ang bilang na tatlong milyong foreign tourists na naitala nito sa bansa sa ilalim ng Marcos administration.