-- Advertisements --
Nagpahayag ng kumpiyansa si Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ngayong taon, makakabangon ang sektor ng turismo mula sa epekto ng COVID-19.
Ipinunto ni Puyat na naghihintay na lamang ang mga turista sa pagbukas ng ating mga border.
Una nang sinabi ni Puyat na may kabuuang 10,676 na banyagang manlalakbay ang dumating mula nang magbukas ang border ng bansa noong Pebrero 10.
Nasa 45% ng mga dumating ay mga balikbayan.
Ang mga dayuhan ay nagmula sa US, Canada, Australia, UK, South Korea, Germany, at Japan, ayon pa kay Puyat.
Para sa leisure, sinabi ng DOT chief na nasa 29% na ang occupancy rate sa mga hotel.