-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Umaasa ang Department of Tourism-Bicol (DoT-Bicol) na mas mataas ang bilang ng tourist arrival sa rehiyon ngayong Semana Santa kumpara noong nakalipas na taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay DoT Bicol Dir. Benjamin Santiago, batay sa feedbacks ng tourism officers sa bawat lalawigan sa Bicol, lumalaki ang foreign and domestic tourist na dumarating sa lugar upang magbakasyon.

Hindi pa man makapagbigay ng eksaktong bilang, tiniyak ni Santiago na makukumpirma ito sa bilang ng mga flight at biyahe ng mga bus.

Tiniyak pa ng DoT official na ligtas at secured ang mga turista dahil sa inilatag na security measures at nakahandang medical facilities ng mga local government unit (LGU).

Payo naman ng opisyal sa publiko na maging aware sa paligid, laging mag-ingat at maging responasable sa pagtatapon ng basura.