-- Advertisements --
Bumaba ang tourist arrival ng bansa sa unang pitong buwan ng 2020.
Ayon sa Department of Tourism, mayroong 72% na pagbaba kumpara noong 2019.
Sinabi ni Tourism Undersecetary Benito Bengzon Jr, na mayroon lamang 1.3 million ang kabuuang bilang ng mga turistang bumisita sa bansa mula Enero hanggang Hulyo.
Nangangahulugan aniya nito na malaki ang naging epekto sa turismo ang coronavirus pandemic.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ang nasabing ahensiya ng tourism response at recovery plan para makabawi sa turismo.