KALIBO, Aklan—Nanlumo ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan dahil sa pagbaba ng halos 10 porsyento sa tourist arrival sa isla ng Boracay sa buwan ng Marso ng kasalukuyang taon.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng Malay Tourism Office ay ang pagkilala ng newly travelers at explorers sa mga bagong labas na tourist destination sa kagustuhan na mapuntahan ang iba pang mga ipinagmamalaking lugar bukod sa Boracay na kilala sa buong mundo.
Sa katunayan ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office, hindi pa nakakabalik sa normal arrivals ang Chinese at Koreans na isa sa mga top market ng tourist arrivals sa tanyag na isla.
Nakakalungkot man aniya na hindi consistent ang positive numbers of tourist sa nakalipas na tatlong buwan, tiwala naman ang ahensya na mababawi ito ngayong buwan ng Abril lalo na sa Holy Week vacation.
Sa buwan ng Marso ay nakatala lamang ang tourism office ng kabuuang 171,305 tourist.
Sa nasabing bilang, 33,276 ang foreign tourist; 135,459 naman ang domestic habang 2,700 ang mga overseas Filipinos.
Sa kasalukuyan ay tuloy-tuloy ang pagpasok ng libo-libong turista bawat araw sa Boracay lalo na’t ramdam ang matinding init ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.