KALIBO, Aklan—Namayagpag ang bilang ng tourist arrival sa isla ng Boracay sa unang dalawang buwan ng taon 2025.
Batay sa datos ng Malay Tourism Office, inihayag ni Kathrine Licerio na nakatala ang kanilang tanggapan ng kabuuang 374,958 tourist arrival sa isla mula sa buwan ng Enero hanggang Pebrero na mas mataas ng nasa 602 tourist kung ihahambing sa kaparehong period noong nakaraang 2024.
Dagdag pa ni Licerio na nangunguna parin ang domestic tourist lalo na noong Enero mula sa selebrasyon ng New Year’s Day hanggang sa Ati-Atihan Festival sa Boracay kung saan, inaasahan na madadagdagan pa ito ng libo-libong turista sa nalalapit na summer season.
Sa kasalukuyan aniya ay pinaghahandaan na nila ang gaganapin na Love Boracay na posibleng magsisimula sa Abril 25 hanggang Mayo 3 kung saan, maraming aktibidad ang aasahan ng mga bisita gaya ng international sporting events, beach parties at maraming iba pa.
Samantala, positibo ang tourism sector na hahatak ng maraming turista ang bagong celebrity Tourism Ambassador for the Philippines na South Korean singer-songwriter and actor na si Seo In Guk.
Maalalang rumampa ito sa tanyag na isla upang markahan ang kaniyang unang experience sa baybayin ng Boracay.
Si Seo In Guk ay makikipagbuligan sa Department of Tourism (DOT) upang ipromote ang Pilipinas sa South Korean market at fans worldwide kung saan, South Korea ang consistent top market para sa Pilipinas.