DAGUPAN CITY–Kinumpirma ng Tourism Office ng Bayambang na mas dumami at dumoble ngayon ang bilang ng mga bisita na namamasyal sa kanilang bayan matapos ideklara istatwa ni St. Vincent bilang tallest and highest Bamboo structure sa Guiness World Record.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rafael Saygo, tourism officer ng nabanggit na bayan, sinabi nito na mas lalong dumami ang nagkaroon ng interes na pumunta sa Bayambang simula ng maipatayo at mabuksan sa publiko ang pinakamataas na imahe ng kanilang patron saint na si St. Vincent Ferrer.
Aniya, bagama’t hindi pa tapos ang buong ‘design’ ng naturang prayer park, ay kaliwa’t kanan na ang nagtutungong mga turista at deboto dito. Lahat umano sila ay nagnanais na masilayan at makita ang tinaguriang ‘tallest bamboo sculpture’ ng mundo.
Samantala, inihayag din ni Saygo na sa isang araw ay nakakapagtala sila ng nasa mahigit isang libong bilang ng turistang nagtutungo at dumarayo dito.