-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Ipinagmalaki ng Malay Municipal Tourism Office ang pagtaas pa ng tourist arrival sa Boracay simula Disyembre 1 hanggang 12.

Ayon kay tourism officer Felix delos Santos, umabot na sa 3,703 ang mga turistang bumisita sa isla.

Aniya, nangunguna pa rin sa bilang ang mga taga National Capital Region (NCR) na may kabuuang 2,917 o 78%.

Pumapangalawa ang mga Aklanon tourist na may 704 o 19%, sinundan ito ng Iloilo City na may 25, Iloilo Province na may 20, tig-10 sa Negros Occidental at Cebu, habang walo ang galing sa Capiz, apat sa Antique, dalawa sa Bacolod at isa sa Lanao Del Norte.

Samantala, habang papalapit ang holiday season, unti-unti nang bumubuhos ang mga turista lalo na ang mga local celebrities.