TACLOBAN CITY – Aminado ang local government unit ng Balangiga, Eastern Samar, na mas tumaas ang kanilang tourist arrivals ngayong taon kumpara noong 2018.
Ito’y matapos ang makasaysayang pagkakabalik ng tatlong kampana sa naturang bayan makaraang kunin ng mga Amerikanong sundalo 117 taon na ang nakakaraan.
Ayon kay Fe Campanero, tourism officer ng Balangiga, sa ngayon umaabot sa 38,000 ang bilang ng mga turista na pumupunta sa kanilang lugar .
Nasa 70% aniya na mas mataas ito kumpara noong nakaraang taon.
Nagsasagawa rin sila ng training program para sa mga magsisilbing tour guide ng mga bakasyunita at magtatayo rin sila ng mga souvenir shops.
Kung maaalala, Disyembre 2019 nang maibalik sa bayan ng Balangiga ang tatlong makasaysayan na kampana.