Ibinida sa isang malaking LED display sa Time Square sa New York, USA ang iba’t-ibang mga tourist destination dito sa Pilipinas kung saan ipinakita ang ganda ng bansa.
Ang 15 segundo na video ay masisilayan sa Broadway sa 44th Street at 45th Street sa Times Square na tatagal naman ng hanggang Bagong Taon kung saan inaasahang dadagsa ang mga turista sa lugar.
Bukod sa video campaign makikita rin ang ‘Love the Philippines’ banner sa mga taxi sa New York City.
Ayon sa Department of Tourism (DOT) ang naturang mga video campaign ng ahensya sa US partikular sa New York ay nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon.
Umaasa naman ang DOT na sa pamamagitan ng mga ganitong programa ay makakapanghikayat pa ng mas maraming mga turista na gustong bumisita sa Pilipinas.