-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Tourism na nakatakda nilang ilunsad ang mga tourism projects ngayong 2024.
Ito ang binigyang diin ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco sa isang pahayag.
Ayon sa kalihim, kabilang sa mga ito ay ang kauna-unahang Tourist First Aid Facilities kabilang na ang mga additional hyperbaric chambers.
Ito ay makatutulong sa seguridad ng mga drivers na itatayo naman sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Giit ni Sec. Frasco, nananatiling prayoridad ng ahensya ang kalusugan at kapakanan ng mga turista sa bansa .
Kaugnay nito ay sinabi ng kalihim na para maisakatuparan ito ay makikipag tulungan sila sa ibang ahensya ng gobyerno.
Kabilang na rito ang Department of Health at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority.