Muling bubuhayin ng Philippine National Police (PNP) ang Tourist Police sa mga lugar na umiiral pa rin ang modified General Community Quarantine (MGCQ).
Inatasan na ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa si PNP Directorate for Operations Director MGen Emmanuel Licup na i-reactivate ang tourist Police.
Ayon kay Gamboa, kailangan ng presensya ng tourist Police para ipatupad ang health protocols sa mga tourist destinations na binuksan sa ilalim ng MGCQ.
Inatasan din ni Gamboa ang mga Police Regional directors na ire-activate ang kanilang mga tourist Police assistance desks.
Ito’y matapos pahintulutan ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang domestic tourism sa mga lugar na nasa MGCQ sa kondisyon na mahigpit na ipatutupad ang health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Bukod sa pagpapatupad ng Health protocols, ang tourist Police ay magbibigay ng karagdagang seguridad sa mga local tourists at mga establisimiyento.