GENERAL SANTOS CITY – Tampok sa pagbisita ni Department of Tourism(DOT) Secretary Cristina Garcia Frasco sa Region 12 ang mga best tourism sites may kaugnayan sa programa na Philippine Experience Program ng gobyerno.
Kasama ni Secretary Frasco ang 150 delegasyon na kinabibilangan ng mga international dignitaries, national agency officials, mga personahe mula sa Senado at ng House of Representatives, Regional directors, at national tourism associations.
Pagdating ng Gensan dumiretso ang grupo sa private beach resort ni Manny Pacquiao sa Glan Sarangani Province.
Pinuntahan din ang isa sa mga mansion ng dating senador at binisita naman ang Lamlifew Village Museum and Living Tradition sa Malungon Sarangani Province at ipinakita ang paghahabi ngntela, ipinarinig ang tradisyunal na awit ng mga tribo ng Blaan at Tagakaolo.
Hindi rin pinalampas ang magandang tanawin sa Gensan Fishport kung saan ibinida ang pinakamalaking tuna tulad ng big eye kung saan tumitimbang ng mahigit 300 kilos ang bawat isa.
Ang Philippine Experience Program ang inilunsad ng Department of Tourism para ma-showcase ang mga Filipino brand na tanda sa lahat ng aspeto sa travel and tourism para palakasin ang local tourism industry ng bansa.