TUGUEGARAO CITY – Ipinag-utos ng Department of Tourism (DOT) sa Mt. Province ang pansamantalang pagbabawal sa mga turista at mga residente na magsagawa ng anumang mountain related activities kabilang na ang pagsasaka sa bulunbunduking bahagi ng lalawigan
Sinabi ni Arsenia Addon, tourism officer ng Bauko, Mt. Province, ito ay dahil na rin umano sa kasalukuyang peace and order condition kasunod nang nangyaring engkwentro sa pagitan ng PNP at New People’s Army (NPA).
Ayon kay Addon, ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga nagnanais na magsagawa ng anumang aktibidad sa mga bundok ng lalawigan dahil sa posibleng nasa bundok pa ang mga rebelde at may itinanim umano na landmine.
Dahil dito, sinabi ni Addon na kinansela muna ang lahat ng naka-book na tourism activities.
Una rito, isang pulis ang namatay at isa ang nasugatan sa engkwentro noong March 29 hanggang 31, 2019.