Tiniyak ni San Juan City Mayor Francis Zamora na mahigpit nilang ipatutupad ang towing o paghahatak sa mga sasakyang iligal na nakaparada sa mga lansangan sa kanilang lungsod.
Ayon kay Mayor Zamora, ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng mga local government units na linisin ang kani-kanilang mga lugar.
Sa panayam kay Zamora sa Kampo Crame, sinabi nito na tulad aniya sa Greenhills na kilalang Shopping Center sa lungsod, may mga nakatalagang parking space doon na kayang okupahin ng mahigit 4,000 mall goers.
Sapat na aniyang dahilan ito upang hindi na magdouble park pa ang mga sasakyan at ikinakadena ang mga gulong nito sakaling magparada pa rin sa mga tinatawag na towing zone.
Nitong Huwebes, nagpulong ang mga alkalde sa Metro Manila kasama ang Metro Manila Development Authority at Department of Interior and Local Government para talakayin ang paglilinis ng kanilang mga kalye.