-- Advertisements --
Ipatutupad na sa bansang South Korea ang bagong batas kung saan maaari nang ipakulong ang mga business owners na bigla na lamang tatanggalin sa trabaho ang kanilang mga empleyado.
Napag-alaman sa pinaka bagong survey na isinagawa ng South Korea government na halos two-thirds ng mga manggagawa ang nakararanas ng pang-aabuso sa kanilang trabaho.
Company hierarchies, matinding kumpetisyon sa trabaho at toxic work environments ay iilan lamang daw sa mga sanhi kung bakit may mga trabahador na tila nabu-bully ng kanilang mga amo.
Haharap sa tatlong taong pagkakakulong at pagbabayarin ng 30 million won o halos dalawang milyong piso ang sinumang mapatutunayan na guilty sa hindi patas na pag sisante sa kanilang mga empleyado.