BAGUIO CITY – Apektado na rin ang trabaho at negosyo ng ilang OFWs sa bansang Brunei kasabay ng COVID-19 crisis.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ana Laganga, isang Pinay na naninirahan sa Brunei, sinabi niyang naapektuhan ng krisis ang pinagtatrabahuan nitong shop.
Aniya, halos dalawang linggo nang walang kustomer ang kanilang shop.
Gayunpaman, sinabi niyang nagbubukas pa rin ang kanilang shop para makita ng mga tao na tumatanggap pa rin sila ng kustomer.
Sinabi pa ni Laganga na apektado na rin ang trabaho ng mga kasama niyang OFWs sa Brunei dahil sa nagpapatuloy na mahigpit na alituntunin laban sa COVID-19.
Sa kabila nito, sinabi niyang dahil sa mahigpit na mga polisiya ay nananatiling mababa ang kaso ng COVID-19 doon na aabot lamang sa mahigit 140 habang mahigit 130 ang mga nakarekober.
Inilarawan ni Laganga bilang ‘disiplinado’ ang mga tao sa Brunei na kinabibilangan ng mga OFWs.