-- Advertisements --

LA UNION – Apektado ngayon ang trabaho ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong dahil sa nagpapatuloy na kilos protesta laban sa kontrobersyal na Extradition Bill.

Ito ang sinabi sa Bombo Radyo La Union ni Daisy Castillo na kasalukuyan nagtatrabaho sa Kennedy Road, Midlevels sa Hong Kong.

Sinabi ni Castillo na apektado ang kanilang trabaho dahil inukopa na ng mga raliyista ang mga protesters ang mga kalsada dahilan para mahirapan silang makabiyahe.

Samantala, nakakatulong daw sa kanila ngayon ang pagkakaroon ng biyahe pa rin ng mga tren dahil ito na lamang ang kanilang sinasakyan papasok sa trabaho.