-- Advertisements --
CAMP CRAME PNP POLICEMENT FLAG DAY
Salute to the flag: PNP officers at Camp Crame during the National Flag Day (photo from Bombo Analy Soberano)

Balik na sa trabaho ang mga pulis sa Kampo Crame, matapos tanggalin ni PNP chief Gen. Debold Sinas ang ipinatutupad na alternate work schedule simula nuong kasagsagan ng COVID-19.

Umapela ng kooperasyon si Sinas sa kaniyang mga tauhan hinggil sa ilang pagbabago sa sistema ng kanilang pagtatrabaho sa ilalim ng new normal.

Inanunsiyo ni Sinas ang nasabing kautusan sa kaniyang unang flag raising ceremony kahapon.

Paliwanag ng PNP chief, masyadong naaantala na ang trabaho ng mga pulis sa ilalim ng alternate work schedule kung saan pitong araw papasok sa duty habang pitong araw ang pahinga, resulta nito ay apektado ang kanilang pagbibigay serbisyo sa publiko.

Binigyang-diin naman ni Sinas na hindi na isasailalim sa lockdown ang isang opisina kung may empleyado na nagpositibo sa COVID-19.

Aniya, kinakailangan lamang ng internal strategy upang maalagaan ang kanilang kalusugan sa pangunguna ng Health Service.

Pinasisiguro rin ni Sinas na mahigpit pa rin nilang susundin ang health protocols.

Aniya, kung maraming tao sa opisina dahil na rin sa sabay-sabay na pagpasok, dapat itong bawasan at ililipat ang mga ito sa mga himpilan ng pulisya na kulang sa tao.