Lumalabas na ang mga trabaho sa Armed Forces ang may pinakamataas na arawang sahod sa Pilipinas noong Oktubre ng kasalukuyang taon.
Ito ay base sa pinakabagong resulta ng Labor Force Survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong araw ng Biyernes.
Sa Armed Forces occupations, ang average daily wage ay nasa P1,301, tumaas ito mula sa P1,173 kada araw noong Oktubre 2023. Kabilang sa mga trabahong sumasahod ng naturang halaga ay saklaw ang lahat ng miyembro ng Armed forces maliban sa civil defense gaya ng police at customs inspectors.
Pumapangalawa ang mga professional, partikular na ang mga sumasahod ng P1,168 kada araw, mula sa P1,135 per day year-on-year na sahod. Kabilang dito ang mga nasa fields of sciences, social sciences, legal and social services, art at iba pa.
Ikatlo sa top paying jobs ang managers na sumasahod ng P1,109 kada araw, bagamat bumaba ito mula sa P1,254 na arawang sahod noong Oktubre 2023.
Ikaapat ang technicians at associate professionals na nakakatanggap ng arawang sahod na P826 noong Oktubre 2024, tumaas ito mula sa P785 year-on-year wage.
Panglima naman ang clerical support workers na nakakatanggap ng P740 arawang sahod noong Oktubre 2024 mula sa P706 noong Oktubre 2023.
Samantala, tinukoy din ni USec. Mapa ang 5 trabaho na may pinakamababang arawang sahod sa bansa noong Oktubre ng kasalukuyang taon. Kabilang dito ang skilled agricultural forestry anf fishery workers, elementary occupations, service nad sales workers, craft and related trades workers at plant and machine operators and assemblers