-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Labor and Employment na patuloy nitong palalakasin ang mga programang nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayang Pilipino.

Kabilang na rito ang pagpapalawak ng programang “Trabaho at Serbisyong Pangkalusugan sa Bagong Pilipinas”.

Ayon sa DOLE, katuwang nila sa naturang programa ang ibat-ibang concerned agency ng gobyerno.

Target rin ng inisyatibong ito na mabigyan ng trabaho ang benepisyaryo ng 4Ps katuwang ang mga lokal na pamahalaan maging ang Public Employment Service Office o PESO.

Samantala, ngayong darating na Labor Day, sinabi ng ahensya na kanilang itutuloy ang taunang job fair na may temang “Manggagawang Pilipino, Kaagapay sa Pag-unlad, Sandigan ng mas Matatag na Bagong Pilipinas.”

Palalakasin rin ng ahensya ang JobStart, SPES, at Government Internship Program para sa mga kabataan.

Kaugnay nito ay tiniyak ng DOLE na nananatili ang kanilang commitment sa paghahatid ng makabuluhan, matatag, at makatao na trabaho sa lahat ng mamamayang Pilipino.