BUTUAN CITY – Nagkansela na ng trabaho ang ibang mga kompanya sa France upang maka-iwas ang kanilang mga trabahante sa heatwave.
Ayon kay Bombo International Correspondent JP Panopio direkta mula sa Paris, France, nagbigay na ng konsiderasyon ang mga kompanya sa kanilang mga trabahante kungsaan hindi muna sila pinapa-report sa trabaho sa hapon upang mananatili lamang sila sa kanilang bahay.
Ayon kay Panopio, dahil sa labit na init ng panahon ay siguradong mai-stroke ang taong mai-expose ng matagal sa labas kung kaya’t karamihan sa mga tao sa France ay nasa kanilang mga bahay lamang at kung lalabas ay may dala-dala silang tubig inumin.
Aminado si Panipio na may mga naitala ng wildfires at may namamatay na rin dahil sa heatwave na karamihan ay mga matatanda.