-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Binuwag ng Police Regional Office 10 ang binuo na provincial tracker team na umano’y nagsilbing ‘shadow group’ upang hindi mabisto ang tinawag na ‘alive scheme’ upang mapag-perahan ng ilang ranking senior officials ng Bukidnon Provincial Police Office.

Ito ay bilang mabilisang aksyon ni PRO 10 regional director Brig Gen Lawrence Coop habang ipinag-utos nito ang malalimang imbestigasyon laban kay Bukidnon PPO Provincial Director Police Col. Reynante Reyes.

Tiniyak ng heneral na mananagot si Reyes kung sakaling lumalabas sa imbestigasyon na totoong pini-perahan niya ang nasa 30 hanggang 40 na pulis kapalit ng hindi pag-duty habang abala sa kanilang personal na negosyo o gawain na hindi pasok sa PNP functions.

Sa ngayon,inaantay ng PRO 10 ang resulta ng imbestigasyon ukol sa nabanggit na isyu laban sa opisyal.

Samantala,mariing itinanggi naman ni Reyes ang paratang na utak ito sa umano’y ‘alive scheme’ at maging sa protector issue hinggil sa illegal number games sa Bukidnon.

Katunayan,hinamon pa nito ang umano’y nagpadala ng sulat-reklamo sa Malakanyang na maglabas ng mga ebedenisya nang magkaalaman pagharap sa korte.