-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad ang posibleng koneksyon ng panibago na namang narekober na dalawang tracking devices sa karagatang sakop ng Rapu-Rapu, Albay.

Ito ay ilang linggo lamang matapos na marekober sa lugar ang isang bloke ng cocaine.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Capt. Dante Bonafe, hepe ng Rapu-Rapu PNP, buo pa umano nang marekober ng mga residente ang mga nasabing tracking device na pabilog ang hugis at may markings na BMR 800D.

Sa ngayon dinala na sa crime laboratory ang naturang device na ginagamit sa paghahanap ng lokasyon ng isang bagay at tinatayang nagkakahalaga ng $950 o P47,500.

Maalalang una na ring natuklasan ang kaparehong tracking device sa karagatan ng Gubat, Sorsogon kung saan nakakuha ng 40 bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng P218 milyon.