Ipinahayag ni Philippine National Police chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na nakahanda na ang kanilang tracker team para sa pagtugis sa mga personalidad na sangkot sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Aniya, sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang ilalabas na warrant of arrest ng korte para sa pormal na paghahanap sa mga suspect sa naturang kaso na kinabibilangan nina Bureau of Corrections chief Director General Gerald Bantag, SJ02 Ricardo Zulueta at iba pang mga dawit na opisyal.
Samantala, sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Philippines ay sinabi ni Philippine National Police spokesperson PCol. Jean Fajardo na kasalukuyan na rin nilang vinavalidate ang mga impormasyong nakuha ng Special Investigation
Task Group Percy Lapid hinggil sa tatlo pang kasamahan ng self confessed gunman na si Joel Escorial na sina Israel at Edmond Dimaculangan at si alyas Orly.
Ngunit dagdag pa ni Fajardo, patuloy pa rin aniya ang panawagan nina PNP chief Azurin at Interior Secretary Benhur Abalos Jr. sa naturang mga suspek mula kay Bantag hanggang sa mga kasamahan ni Escorial na sumuko na at kaharapin ang kanilang kaso.
At kung sakaling wala aniya talagang kinalaman ang mga ito sa naturang kaso ay as mabuting magpakita ang mga ito ng ebidensya upang linisin ang kanilang mga pangalan.
Una rito ay ipinahayag ng pambansang pulisya na hindi nila isinasantabi ang posibilidad na mayroong mas mataas pang opisyal kaysa kay director general Bantag ang posibleng nasa likod ng pagpatay kay Lapid.
Anila, bukas ang Philippine National
Police sa pagsasagawa ng preliminary investigation at sa actual trial kung saan opisyal nang maisasampa sa korte ang mga kaso laban sa mga ito.
Kasabay ng posibilidad sa paglabas ng iba pang mga ebidensyang magtuturo as iba pang tao na may kinalaman sa naturang kaso.
Kung maaalala, sinabi ni NBI supervising agent Atty. Sinabi ni Eugene Javier na nakakatanggap sila ng intelligence reports tungkol sa isa pang umano’y mastermind, ngunit hindi umano niya maaaring ibunyag ang impormasyong ito na hindi pa nabeberipika.