-- Advertisements --
Pansamantalang kinansela ang Brexit talk matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng European Union team.
Ayon kay EU Michel Barnier at UK Lord David Frost, napagkasunduan nilang kanselahin ang nasabing Brexit trade talks dahil sa insidente.
Tiniyak din ni Barnier kanilang itutulong ang usapin bilang pagrespeto sa safety guidelines.
Isang miyembro ng negotiating team ni Barnier ang nagpositibo kasi sa COVID-19.
Kapwa umaasa ang dalawa na mahahabol nila ang deadline sa Disyembre at magtatapos ang post-Brexit transition sa Enero 2021.