-- Advertisements --

Walang magiging epekto sa trade relations ng PIlipinas at Canada sa isyu ng garbage shipment.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na naresolba na ang nasabing isyu kaya walang epekto ito sa relasyong pang-ekonomiya ng dalawang bansa.

Ibang usapin aniya ang trade and investment ng bansa sa mga Canadian companies kaya wala itong epekto.

Lumutang ang isyu na magkakaroon ng problema sa relasyong pang ekonomiya ng dalawang bansa matapos na pinapabalik ng Pilipinas ang kanilang ambassador at consul general sa Canada dahil sa bigong maabot ang May 15 deadline sa pagbabalik ng basura.